Kabanata I Mga salik sa pagdami ng mga nahihilig sa kompyuter games na mga mag-aaral ng Our Lady of Fatima University Antipolo Campus Ang mga estudyante noong ika–20 siglo ay karaniwang naglalaro lang ng isports

Kabanata I

Mga salik sa pagdami ng mga nahihilig sa kompyuter games na mga mag-aaral ng Our Lady of Fatima University Antipolo Campus

Ang mga estudyante noong ika–20 siglo ay karaniwang naglalaro lang ng isports, Ang inaatupag na nagdudulot ng pagiging mas pocus ng mga estudyante sa pag-aaral na nagbibigay ng matataas na marka.Ngunit ng dumating ang ikaw-21 siglo nauso ang mga teknolohiya na nagbibigay ng aliw sa mga kabataan kagaya ng mga kompyuter games at ito ay nagpatuloy hanggang sa kasalukuyan. Ang ika – 21 siglo ay nagkaroon ng malaking pag-babago sa mga kabataan, una sa mga dahilan ay ang paglago ng teknolohiya. Nagkaroon ng mga bagong libangan ang mga kabataan dahil sa teknolohiya at ang isa na nga doon ay ang kompyuter games. Ang depinisyon ng kompyuter noon ay isang bagay na kung saan tinutulungan tayong mapadali ang gawain sa buhay natin at natutulungan rin nitong maipalabas ang pagiging matiyaga at malikhain ng isang tao. Subalit, pumasok ang ideya na pwede rin magkaroon ng bagong libangan ang mga tao dito. Ayon kay Nacar (2013) ang kompyuter games ay hindi nagsimula bilang isang industriya o produkto na dapat ipinahayag sa mundo. Kaya sa paglalaro ng kompyuter games naaapektuhan ang isip ng mga kabataan dahil nagkakaroon sila ng pagnanais sa nilalaro nila. Lalo na’t karamihan sa tinatangkilik ngayon ay ang mga larong napupuno na ng karahasan katulad na lang ng patayan, barilan at iba pa. Kaya ang layunin ng aming pananaliksik ay para mabigyan impormasyon ang mga kabataan na nahuhumaling sa paglalaro.